kris-at-coco-copy

MATAGAL na inaabangan ng maraming movie fans ang sequel ng greatest horror movie sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Feng Shui. Ngayong Pasko ay matatapos na ang paghihintay dahil ipapalabas na ang ikalawang installment nito.

Mula pa rin sa direksyon ni Chito Roño at sa kanyang panulat kasama si Roy Iglesias, siguradong magiging patok ang entry na ito sa 40th Metro Manila Film Festival. Muling kasama ni Direk Chito ang tatlo pa sa mga haligi ng horror genre, ang Star Cinema, si Kris Aquino, at ang nanakot sa atin sa naunang Feng Shui na si ‘Lotus Feet’.

Ang master storyteller na si Direk Chito rin ang gumawa ng mga certified modern horror classics tulad ng Sukob (2006), The Healing (2012) at iba pa. Siya ang lumikha sa Queen of All Media bilang ‘horror queen’ dahil sa malaking success ng Feng Shui noong 2004. Co-producer din si Kris ng entry nito ngayong Pasko.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Paboritong panakot si ‘Lotus Feet’ hanggang ngayon. Sa pamamagitan ng bagua ay nangunguha siya ng mga kaluluwa ng sinumang tumingin dito. Ang mga suwerteng natatamasa ni Joy (Kris) ay may kapalit na buhay. Nang lumaon ay unti-unting nauubos ang miyembro ng kanyang pamilya kaya sinira niya ang bagua para mawakasan ang masamang sumpa. Ngunit pagkaraan ng sampung taon, madidiskubre niyang may bago nang nagmamay-ari sa bagua, si Lester. Magtutulungan silang tuluyang putulin ang nakakatakot na pangyayari sa buhay nila.

Gagampanan ni Coco Martin sa kanyang unang horror film ang karakter ni Lester. Sa tambalan nila ng Queen of All Media, siguradong doble ang saya, doble ang katatakutan at doble din ang kilabot dahil doble ang suwerte at kamalasan ng sino mang mangahas na tumanggap ng kahit na ano mula sa bagua.

Higit sa lahat, magiging dalawa na rin si ‘Lotus Feet’.

Kaya sa December 25, ihanda na ang inyong boses dahil garantisadong titili at sisigaw tayo sa bawat eksena ng Feng Shui 2. –Elayca Manliclic, trainee