Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang kumpanyang nagbebenta ng mga laptop at iba pang computer accessories dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Ang pagsasampa ng kaso laban sa Liteware Computers Corporation ay kasunod ng reklamo ng broadcaster na si Ted Failon ng ABS-CBN na nagsabing bumili ang kanyang anak na babae ng 15-inch Apple MacBook Pro laptop computer na nagkakahalaga ng P90,500.

Sa reklamo ni Failon, tanging hindi rehistradong delivery receipt at acknowledgment receipt ang nasabing kumpanya na naniningil pa umano ng 12 porsiyentong value added tax (VAT) kapag magbibigay ng resibo ang mga ito.

Natuklasan din ng mga tauhan ng BIR na hindi nagbibigay ng resibo ang kumpanya nang magpanggap na kostumer ang isa sa mga tauhan nito na bumili ng Apple Magic Mouse na nagkakahalaga ng P3,400, at hindi rin binigyan ng opisyal na resibo.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Dahil dito, ipinapalagay ng BIR na hindi nagbabayad ng tamang buwis ang kumpanya kaya kinasuhan nila ito ng non-issuance of receipts o paglabag sa Section 237 ng National Internal Revenue Code of 1997.