CHICAGO (AP)– Sa larong wala sa hanay sina Derrick Rose at Carmelo Anthony, naglaro si Jimmy Butler na parang isang malaking bituin.
Nakaiskor si Butler ng career-high na 35 puntos at tinalo ng Chicago Bulls ang New York Knicks, 103-97, kahapon.
‘’All I can say is thank God for Jimmy Butler,’’ lahad ni Bulls coach Tom Thibodeau. ‘’You can’t say enough about him.’’
Naglaro na wala si Rose dahil sa sakit, muling nakakuha ng malakas na pagkikita ang Bulls mula kay Butler. Siya ay 11-of-21 mula sa floor sa kanyang 3-pointers, 5 rebounds, 7 assists at 4 steals, upang palakasin ang kanyang kampanya na mapasama sa All-Star ngayong season.
‘’He’s playing extremely well, with a lot of confidence, with a lot of aggressiveness,’’ sinabi ni Bulls forward Pau Gasol, na gumawa ng 20 puntos. ‘’He’s asserting himself every single game at both ends of the floor.’’
Nakakuha si Samuel Dalembert ng isang basket sa natitirang 2 segundo sa third quarter upang bigyan ang Knicks ng 74-73 abante papasok sa fourth period. Na-outscore ng New York ang Bulls, 29-21, sa ikatlong yugto at nalimitihan ang Chicago sa anim na field goals.
Sinagot ito ng Bulls sa fourth, kinuha ang 12-0 run upang kunin ang 87-77 kalamangan, isang spurt na kinabilangan ng dunk ni Butler sa natitirang 8:43 na sinamahan din ng 3-pointer ni Nikola Mirotic.
Kumapit ang New York, lumapit sa isa sa basket ni Amare Stoudemire sa nalalabing 4:13 at muli sa huling 1:06 sa jumper din ni Stoudemire. Ngunit nakagawa ng isang layup si Gason makaraang magmintis si Hardaway sa isang wild 3s sa natitirang 37.9 segundo. Sinundan ito ng isang free throw ni Aaron Brooks kasunod ang narebound na basket ni Gasol upang selyuhan ang panalo.
‘’Chicago is a good team. They understand situations,’’ ani Knicks coach Derek Fisher. ‘’They just made more plays down the stretch than we did.’’
Hindi nakapaglaro si Anthony dahil sa sore left knee at patuloy na inoobserbahan. Siya ay nag-average ng 23.4 puntos sa 24 laro para sa Knicks ngunit patuloy na iniinda ang problema sa tuhod.
Wala rin si Andrea Bargnani (right hamstring), Cleanthony Early (right knee), Iman Shumpert (left shoulder) at J.R. Smith (left foot). ‘’I hope none of the guys on the team want to quit,’’ saad ni Knicks guard Jose Calderon. ‘’We need to be a team until the end.’’
Naglaro si Rose sa 11 magkakasunod na laro sa kanyang pagsisikap na makabalik mula sa torn meniscus na tumapos sa kanyang 2013-14 season. Siya ay may averages na 16.8 puntos at 5.1 assists para sa Chicago, na natalo noong Lunes sa Atlanta upang maputol ang kanilang three-game winning streak.
‘’I don’t want to be a star,’’ sambit ni Butler. ‘’I just want to be a decent role player on a really good team.’’
Resulta ng ibang laro:
New Orelans 99, Houston 90
Milwaukee 108, Sacramento 107