Isang bangkay ng hindi pa kilalang babae ang natagpuan sa madamong lugar sa C-5 Road Extension, Pulang Lupa Uno sa Las Piñas City kahapon ng madaling araw.
Inilarawan ng pulisya ang babae na nasa 30 hanggang 35 anyos, maputi, may katabaan ang pangangatawan at may tattoo sa braso, nakasuot ng asul na blouse at panty.
Sinisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) personnel ng Southern Police District ang bangkay kung nagahasa ang babae dahil suot lamang nito ang pangibabang saplot bukod pa sa tama ng saksak sa iba”t ibang parte ng kanyang katawan.
Sa inisyal na ulat, 5:00 ng madaling araw nang madiskubre ng mga nagrorondang barangay tanod ang duguang bangkay ng babae sa madamong bahagi ng kalsada ng C-5 Road Extension malapit sa Villar Sipag Foundation at hindi kalayuan sa likod ng SM Sucat sa Parañaque City.