SYDNEY (AP)— Walong patay na bata at isang babaeng may malalim na saksak sa katawan ang natagpuan sa loob ng isang bahay sa isang lungsod sa hilaga ng Australia, sinabi ng pulisya noong Biyernes.

Ayon sa Queensland state police, ipinatawag sila sa isang bahay sa Cairns suburb ng Manoora noong Biyernes ng umaga matapos makatanggap ng ulat tungkol sa isang babaeng sinaksak.

Nang dumating ang mga pulis sa bahay ay natagpuan nila sa loob ang mga biktimang may edad 18 buwang hanggang 15 taon, at ang 34-anyos na babae na may saksak sa dibdib, sinabi ng tagapagsalita ng Queensland Ambulance Service.

Naniniwala ang mga pulis na ang babae ay ina ng pitong bata, at ang ikawalong bata ay kamag-anak nila, ayon kay Detective Inspector Bruno Asnicar. Maayos na ang kalagayan ng babae sa ospital.

MRT-3 GM Bongon, sinibak sa puwesto dahil sa nagkaaberyang escalator

Tumanggi si Asnicar na sabihin kung paano namatay ang mga bata.

Patuloy pa ang pangongolekta ng ebidensiya ng forensic teams.