Alaska-VS-RoS_02pionilla_191214-619x413

Laro ngayon: (MOA Arena)

5 p.m. Alaska vs. Rain or Shine

Makakuha nang mas malaking bentahe sa serye ang tatangkain ng Alaska sa muli nilang pagtutuos ng Rain or Shine sa Game Two ng kanilang best-of-7 semifinals ngayon sa PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nakamit ng Aces ang 1-0 bentahe sa serye matapos padapain ang Elasto Painters, 87-80, sa Game One sa kung saan ay pinangunahan ito ni Calvin Abueva na nagposte ng double double na 14 puntos, 14 rebounds at 5 assists katulong si Sonny Thoss na umiskor ng 14 puntos at 9 rebounds.

Ayon kay Aces coach Alex Compton, sana ay natuto na ang kanyang mga player sa nangyari sa kanila sa nakaraang best-of-5 semifinals series nila ng Elasto Painters sa Governor's Cup kung saan ay nakauna din sila, 1-0 ngunit tinalo pa rin sila ng huli 3-2 para umusad ang huli sa finals.

"It's a nice win, but you have to get four (wins) so we have to watch the tape to get better," ani Compton na tinutukoy ang paghahanap ng solusyon sa kanilang naging malamyang panimula sa Game One.

Sa panig naman ng Elasto Painters, inaasahan ni coach Yeng Guiao na mas tututok at determinadong Elasto Painters ang sasalang ngayon sa Game Two.

"We have to minimize our turnovers, sobra kasing gigil," pahayag ni Guiao na tinukoy ang mga turnover na siyang kumitil sa kanilang tsansang manalo sa unang laro sa semis.

Kabilang sa mga manlalarong nakapagtala ng maraming turnover ang kanyang mga beteranong manlalaro at Gilas players na sina Jeff Chan at Beau Belga.

Gaya ng dati, maliban kay Abueva at Thoss, sasandigan ni Compton para pangunahan ang Alaska na sina Jayvee Casio, Vic Manuel, Cyrus Baguio, Dondon Hontiveros at Eric Menk.

Sa kabilang dako, bukod naman kina Chan at Belga, inaasahang mamumuno sa tangkang pagbawi ng Elasto Painters sina Jervy Cruz, Paul Lee, Jireh Ibanes at Ryan Arana.