Upang mabigyang daan ang Holiday Season, sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang voter’s registration sa buong bansa.

“In observance of the Holiday Season and in order to provide COMELEC personnel nationwide ample time to prepare for the scheduled Election Registration Board Hearings, voters’ registration nationwide is suspended from December 21, 2014 until January 4, 2015,” pahayag ni COMELEC Spokesman James Jimenez sa isang kalatas.

Ayon kay Jimenez, ang suspensiyon ay base sa Comelec Resolution No. 9853 na iprinoklama noong Pebrero 19, 2014.

Ibabalik ang voters’ registration sa Enero 5, 2015.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ng Comelec na aabot sa 9.6 milyong rehistradong botante ang wala pa ring biometrics data sa ahensiya. Ang biometrics data ay isang uri ng automated identification kung saan kinukuha ang larawan, fingerprint at lagda ng isang botante ng Comelec.

Base sa Republic Act 10367 or Mandatory Biometrics Registration Act of 2013, ang mga mabibigong isumute ang kanilang sarili sa validation process para sa May 2016 elections ay tatanggalin sa listahan ng mga botante at hindi na maaaring bumoto muli.

Ang voters’ registration ay nagsimula noong Mayo 6, 2014 at magtatapos sa Oktubre 31, 2015. (Leslie Ann G. Aquino)