Rajon Rondo, Jeff Teague, Paul Millsap

Nakikipagdiskusyon ang Boston Celtics para sa posibleng trade ng All-Star guard na si Rajon Rondo, nangunguna rito ang Dallas Mavericks, ayon sa sources ng Yahoo Sports.

Nakikipagpalitan ng proposal ang Boston sa ilang koponan tungkol kay Rondo, kabilang ang Mavericks at Houston Rockets, sabi ng mga source.

Isang package na kinabibilangan ng 2015 first round draft pick na may limitadong proteksiyon at papatapos na kontrata ang nais ng Celtics.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang interes ng Mavericks ay lumaki nitong mga nagdaang araw, dahilan upang magsagawa ang organisasyon ng fact-finding kay Rondo. Naghahanap ang Mavericks ng mga paraan upang mapaliit ang pagitan nila ng nangungunang Golden State Warriors at tinitimbang ang tambalang Rondo-Monta Ellis sa backcourt.

Matapos ang siyam na seasons ni Rondo sa Boston, nag-iwan ang Celtics ng malakas na impresyon sa mga karibal nitong organisasyon na handa silang makipagsundo para sa isang deal na kabibilangan niya, anang sources.

Ang asking price ng Boston para kay Rondo “remains pretty high, probably higher than most want to pay,” lahad ng isang opisyal ng liga sa Yahoo.

Ang trade talks para kay Rondo ay mas nakapokus sa Western Conference sa halip na sa Eastern, sabi pa ng sources.

Consistent ang Boston sa pagaalok sa forward na si Jeff Green, sa pagnanais nilang makakuha ng package na kinapapalooban ng first-round draft pick. Ang pagsasama kay Rondo ay nagpapahiwatig na handa si general manager Danny Ainge na sumailalim sa mas malalim na rebuilding project at itulak ang pinakamataas na posibleng draft position sa 2015 NBA draft.

Si Rondo, 28, ay magiging free agent sa Hulyo, at nag-aalangan ang Boston na ibigay ang inaasam niyang maximum – o near maximum – na contract extension.

Nagugustuhan ng Boston ang ipinapakita ni rookie point guard Marcus Smart, at maaaring magdesisyon na iikot sa kanya ang koponan sakaling mawala si Rondo.

Si Rondo ay nag-average ng 8 puntos, 10.6 assists at 7.5 rebounds kada laro ngayong season. - Yahoo Sports