Dahil sa inaasahang pagbibigat ng trapik ngayong Biyernes (Disyembre 19), ipagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nakabiyahe ang mga cargo at delivery truck sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila mula rush hour hanggang hatinggabi.

Sa isang memorandum circular, sinabi ng MMDA na mula nitong ipatutupad ang total truck sa buong Metro Manila sa pagitan ng 5:00 ng hapon hanggang 12:00 ng hatinggabi ngayong Disyembre 19, ang huling Biyernes bago ang Pasko.

Ang mga truck na gagamit ng ruta patungong North Luzon Expressway (NLEx) ay exempted sa ban.

ang mga truck na magtutungong NLEx ay maaaring kumanan sa C3 Road, kumaliwa sa A. Bonifacio patungong NLEX.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Mula NLEx patungong Port Area, maaaring kumanan ang mga truck sa C-3, at kumaliwa sa R-10 patungo sa kanilang destinasyon. Saklaw ng resolusyon ay ang mga cargo truck at heavy vehicle na may gross capacity weight na mahigit sa 4,500 kilo.

Ayon sa MMDA, aabot sa 79,850 truck at 13,615 trailer ang bumibiyahe sa mga lansangan ng Metro Manila kada araw.