Patay ang isang negosyante makaraang barilin ng isang suspek na sakay ng motorsiklo at tinangay pa ang bag ng biktima na naglalaman ng gadgets at P100,000 cash matapos mag-withdraw sa isang bangko sa Roxas Boulevard, Pasay City kahapon noong Miyerkules ng umaga.

Nalagutan ng hininga sa Ospital ng Maynila sanhi ng tama ng mga bala sa katawan ang biktima na si Conrado Hernandez, 47, Uber operator at mayari ng isang maliit na restaurant.

Inaalam na ng mga tauhan ng Pasay City Police ang pagkakilanlan ng suspek na agad tumakas gayundin ang sinasabi ng mga testigo na may back-up itong dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo sa tulong ng closed circuit television (CCTV) footages malapit sa lugar.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm