Laro ngayon: (MOA Arena)

7 p.m. San Miguel Beer vs. Talk' N Text

Nakatakdang simulan ng San Miguel Beer at ng Talk 'N Text ang sarili nilang best-of-seven semifinals series sa ganap na alas-7:00 ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Una nang nagsimula kahapon habang isinasara ang pahinang ito ang pairing sa semis sa pagitan ng top seed Rain or Shine at ng Alaska.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang Beermen ang second seed team sa pagtatapos ng single round eliminations at gaya ng Elasto Painters ay nagkamit ng outright semis berth habang ang Aces ay dumaan pa sa playoffs ng Tropang Texters bago nakamit ang karapatang makatunggali ng una sa semis.

Gayunman, sa kanilang nakaraang pagtutuos sa single round eliminations ay nagawang talunin ng Tropang Texters ni coach Jong Uichico ang tropa ni coach Leo Austria sa iskor na 107-101 noong nakaraaang Disyembre 5.

Ngunit hindi ito itinuturing na bentahe ng Tropang Texters na muling magtatangkang pumasok sa finals matapos ang huli nilang finals appearance noong nakaraang taon sa Commissioner's Cup kung saan tumapos silang runner-up sa nagkampeong San Mig Coffee.

Gaya ng dati, inaasahang mangunguna para sa kanilang kampanya ang kanilang mga beteranong manlalaro na kinabibilangan ng Gilas standouts na sina Jimmy Alapag, Jason Castro, Larry Fonacier at Ranidel de Ocampo kasama sina Kelly Williams, Harvey Carey at mga impresibong rookies na nagbibigay sa kanila ng karagdagang 'hustle' at 'energy' sa loob ng court na sina Matt Rosser at Kevin Alas.

Sa kabilang dako, nakatalaga pa ring lider sa kanilang kampanya upang matapos na ang pagka-uhaw ng koponan sa kampeonato ang reigning MVP at kasalukuyang lider sa Best Player of the Conference contest na si Junemar Fajardo.

May average na 18.5 puntos, 12.7 rebounds at 2.3 blocks kada laro sa nakalipas na eliminations, inaasahang makakatuwang ni Fajardo ang bagong 're-acquired' nilang beteranong guard na si Alex Cabagnot.

Huling pumasok sa finals noong nakaraang 2013 Governor's Cup na dala pa noon ang pangalang Petron Blaze kung saan tinalo sila ng naggrandslam na San Mig Coffee, 4-3, sa best-of -7 series, sisika pin ng Beermen na makamit ang pinaka-aasam nilang ultimate goal na titulo.

"Iyon naman talaga ang ultimate goal namin, first goal lang 'yung pumasok ng semis at sana hindi kami makuntento dito sa aming naabot. It's still a long way to go and we have to work hard to achieve that goal," pahayag ni Austria na sasandig din sa dating league MVP na si Arwind Santos, Chris Lutz, Marcio Lassiter, rookie Ronald Pascual, Doug Kramer at isa pang rookie na si Justin Chua.