Aksidenteng nadulas at nahulog sa Manila Bay buhat sa sinasakyang barko ang 54-anyos na seaman na naging sanhi ng kanyang pagkamatay sa Pasay City noong Miyerkules ng madaling araw.

Bagama’t nagawang maiahon ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), hindi na rin naisalba ang buhay ng biktima na si Esmeraldo Malolot, may asawa, third mate ng M/V Spirit of Manila Passenger Ship, tubong Cagayan De Oro City.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Robinson Alsol, imbestigador ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), dakong 1:45 ng madaling araw, naglalakad ang seaman sa loob ng M/V Spirit of Manila nang madulas at nawalan ng balanse bago nahulog sa 15-talampakang lalim ng tubig sa Manila Bay sakop ng Pasay.

Agad nagsagawa ng retrieval and rescue operation ang mga tauhan ng PCG subalit bangkay na nang iahon si Malolot makalipas ang dalawang oras.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3