Robin & Vina [thepulse.ph]_ADOR

HINDI lingid sa showbiz industry ang pag-iibigan nina Robin Padilla at Vina Morales noong kapanahunang ginagawa nila ang Maging Sino Ka Man.

How time flies, ‘ika na, may kanya-kanya nang buhay ang dalawa. Napangasawa ni Robin si Mariel Rodriguez at si Vina nama’y nagkaroon na rin ng anak sa isang nakarelasyong businessman.

Ngayo’y muling nagbabalik-tambalan ang dalawa sa Bonifacio Ang Unang Pangulo, isa sa mga kalahok sa 2014 Metro Manila Film Festival na mag-uumpisa sa December 25. At hindi siyempre puwedeng hindi ungkatin ang tungkol sa kanilang nakaraan.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

“Nagniningning†pa ba ang mga mata ni Binoe tuwing nakikita si Vina? Attracted pa ba siya sa dating kasintahan?

“Hindi naman mawawala ‘yun, eh. Sa ganda ni Vina, hindi puwedeng walang sparks. Dapat laging meron nu’n,†sambit ng action star.

Gagampanan ni Vina ang karakter ni Gregoria de Jesus, ang asawa ni Andres Bonifacio na gagampanan naman ni Binoe. Inamin ni Robin na first choice niya ang dating girlfriend para sa nasabing role.

Inintriga tuloy ang action star sa presscon ng movie nila kung pinagselosan ba ni Mariel si Vina.

“Wala namang problema kay Mariel. Gusto naman niya si Vina, idol nga niya si Vina, kaya hindi isyu (kay Mariel) na magkasama kami sa pelikula.â€

Nilinaw din ni Robin na noong may shooting sila sa Monumento noong November 30 (Bonifacio Day), hindi bumaba si Mariel sa sasakyan dahil nalaman nitong naroroon si Vina.

“Totoo ‘yun, nangyari yun,†pag-amin ni Robin, sabay paliwanag. “Alas siyete ng umaga, may event na do’n, nag-flag-raising na kami, nagbigay ako ng talumpati do’n.â€

Ala-una ng hapon naman dumating si Mariel dahil may event ang isang produktong iniendorso ng mag-asawa do’n at guest nga si Mariel.

“Wala siyang kinalaman sa pelikulang Bonifacio. Kaya nang dumating si Vina, pinatago ko na si Mariel. Oras na ni Gregoria de Jesus, eh,†pabirong sabi pa ni Robin.