Matutunghayan na ang maiinit na aksiyon sa Philippine Super Liga sa susunod na taon sa Sports TV5.

Ito ang napag-alaman kay Ramon “Tatz” Suzara, presidente ng natatanging liga ng volleyball sa bansa na Super Liga, at dating national team coach Vincent “Chot “Reyes, na ngayon ay manager ng Sports TV 5 at Digital TV matapos na maselyuhan ang kasunduan sa Hong Kong.

“We are very glad that we have our new television partner, where our games will be seen and televised in a free channel,” sinabi ni Suzara, Marketing at Development head din ng internasyonal na organisasyon na Federation International des Volleyball (FIVB) at Asian Volleyball Confederation (AVC).

Ipinaliwanag naman ni Reyes na kanilang pinaplano ang posibleng pinakamagandang presentasyon para sa natatanging komersiyal na liga ng bansa sa volleyball na nakatakdang ilunsad sa susunod na taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Maraming idea na puwedeng ipasok sa liga pero pag-uusapan pa namin in the coming days,” kinumpirma ni Reyes.

Una nang ipinahayag ni Suzara ang kabuuang plano ng Super Liga sa susunod na taon kung saan ay hindi lamang ang All-Filipino Conference at Grand Prix ang kanilang isasagawa kundi maging ang pinakabagong Champions League at ang Beach Volley.