IBINABALIK ni Sen. tito Sotto ang parusang kamatayan sa mga nagkasala ng ilegal na droga. ito ang reaksyon niya sa naging bunga ng pagsalakay ng NBi sa pamumuno ni Justice Secretary De Lima sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa. Nadiskubre kasi rito ang marangyang mga kubol na kinapipiitan ng umano’y mga drug lord. Sa kanilang mga kubol, tumambad sa mga sumalakay ang jacuzzi, sauna, music studio at opisina. May milyong salapi sa piso at dolyar, ilegal na droga, baril, mamahaling relo, alahas, appliances at iba pang electronic na bagay na ipinagbabawal sa piitan. Ang iba pala nito ay naipasok sa piitan sa kapahintulatan ng mga matataas na opisyal. Mayroon silang nilagdaang memorandum ukol dito.

Nababahala raw ang Pangulo sa nadiskubreng mga baril na taglay ng mga drug lord. Pero hindi ito ang dapat na ikabahala niya. Ang mga baril ay maaring para sa kanilang proteksyon laban sa kapwa nila preso. Maaari rin na para mapanindigan nila ang kanilang paghahari-hari sa mga kapwa nila sa loob ng piitan. Ang dapat ikabahala ng Palasyo ay iyong nagagawa pa rin nila sa loob iyong ginawa nila sa labas na siyang sanhi kung bakit sila nakulong. Naipagpapatuloy nila ang pagkalat ng droga sa bansa.

Ang remedyo ba rito ay iyong nais mangyari ni Sen. Sotto na patayin sila ng estado sa pamamagitan ng pagbalik ng parusang kamatayan? Wala sa mga ito ang problema. Ang higit na problema ay ang mga opisyal at empleyado ng pambansang piitan dahil kung hindi sila kasabwat, hindi magagawa ng mga umano’y drug lord ang ilegal nilang negosyo. Kaya talamak ang bentahan ng droga, sa loob at labas ng piitan, ay dahil mayroon din silang DAP at PDAF sa mga ito.

Kung sakali mang ibalik ang death penalty, iyong lang bang nasa negosyo ng droga ang dapat patawan nito? aba eh nakakahawa ang DAP at PDAF.
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso