Disyembre 19, 2012 nang makamit ni Janine Tugonon ang titulong first runner-up sa Miss Universe pageant na ginanap sa Planet Hollywood Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Matapos ang Christmas-themed pageant, kinoronahan si Olivia Culpo ng United States bilang Miss Universe 2012, tinalo ang 88 iba pang naggagandahang babae mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang na si Tugonon.

Bago magsimula ang nasabing kompetisyon, sumailalim si Tugonon sa ilang paghahanda tulad ng weight training, personality development, makeup application practices, at catwalk training.

Taong 2010 nang nakamit ni Venus Raj ang fourth runner-up sa parehong patimpalak at 2011 naman nang mapanalunan ni Shamcey Supsup ang third runner-up. Habang Sina Gloria Diaz at Margarita Moran ang kinoronahan bilang Miss Universe noong 1969 at 1973, ayon sa pagkakasunod.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Sa Enero 2015, may tiyansang makamit ni Mary Jean Lastimosa ang titulong Miss Universe na gaganapin sa Miami, Florida.