Martin Nievera

MASYADONG in demand ngayon si Martin Nievera kaya binabansagan na siyang Lagare King. 

Feel na feel niya ang titulo.

Pagkatapos ng Penthouse Live concert sa PICC ay bibiyahe siya patungong Detroit, Michigan sa December 26 for a show. Pero kailangan din niyang bumalik agad ng Pilipinas para sa Big Mouth Rock a New Year sa SM Aura sa January 3. Itatampok sa repertoire and ilang choice cuts mula sa bago niyang album na Big Mouth, Big Bands.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Isa itong tribute album and concert para sa mga sikat at malalaking bands noong dekada ‘80 tulad ng Queen at Earth, Wind and Fire.

Kasado na rin ang Valentine concert nila ni Regine Velasquez-Alcasid para sa Araw ng mga Puso sa MOA Arena.

Sa future concerts ay gusto ni Martin na maging guest si Anne Curtis dahil naaaliw siya sa comedy act ng seksing aktres. 

“Her act is to be out of tune or kumanda ng wala sa tono kung kaya’t huwag kayong mag-expect na bibirit siya ala Regine. Just enjoy. At alam ba ninyo that she can really do some rapping,” pahayag ni Martin. (Remy Umerez)