MARAMI ang sumasang-ayon na ang pagpapamasahe ay nakakagaan sa pakiramdam — may kaunting sakit na mararamdaman, ngunit ito ay ginagawa upang maibsan ang pananakit ng mga kalamnan. Gayunman, hindi ito ang nangyayari sa lahat ng pagkakataon, halimbawa na lamang sa 41 taong gulang na lalaki na nagtamo ng pamumuo ng dugo sa kanyang spine matapos magpamasahe, base sa ulat ng journal ng Spine.

Nagpamasahe siya nang magtungo sa Thailand, pero nahirapan siyang maglakad papasok ng ospital at iniinda ang pananakit ng likod. Ito ay kanyang naramdaman pagkatapos niyang magpamasahe — ang masahe ay binubuo ng bending, twisting at pag-apak sa kanyang likod at baywang. Ang lumabas na resulta sa isinagawang esksaminasyon ay: “spinal subdural hematoma, or a blood clot between his spinal cord and the tough, leathery membrane surrounding it,” ayon kay Richard Senelick, M.D., isang neurologist at medical director sa The Rehabilitation Institute of San Antonio.

“This [condition] is really rare,” saad ni Senelick. “And it sounds like this wasn’t your typical massage — it was incredibly aggressive.”

Ngunit hindi lamang ito ang mga masamang epekto ng masahe. Base sa pag-aaral noong 2012, iniulat ng Taiwanese researchers ang kaso ng 47 taong gulang na pasyente ay nakadama ng panghihina habang minamasahe sa leeg.

Sandro Marcos, nag-react sa malisyosong video ng ama

Kalaunan, nakaramdaman siya ng pamamanhid ng kanyang mga daliri, lalo na kung siya ay nakahiga. Natuklasan ng doktor na siya ay may spinal cord injury, posibleng resulta ng paghigang nakatihaya na walang suporta sa leeg habang minamasahe, sabi ng mga mananaliksik. (Yahoo News/Health)