James & Twinkle

NILINAW ni James Reid sa KrisTV na kaibigan lang niya ang kapatid ni Kim Chiu na si Twinkle. Na-link sina James at Twinkle simula noong mabasa sa Facebook account ng huli ang palitan ng kanilang messages.

“We’re just friends,” sey ng aktor.

Nang tanungin si James kung close friends ba sila ni Twinkle?

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

“We’re not close friends, we’re just friends,” paglilinaw ng aktor.

Nabanggit ni James na minsan niyang nakasama ang sister ni Kim Chiu sa isang event pero ang kasa-kasama ni Twinkle ay si Andi Eigenmann at ang grupo ng mga ito.

Tinanong din ni Kris si James ng, “Was it a difficult decision to choose? Kasi alam kong pinag-aagawan kayo (sila ng kanyang ka-live team na si Nadine Lustre), di ba? Whether to go on GMA or dito sa ABS, nahirapan ba kayo to decide?”

“No, actually it was easy,” sagot ng binata, dahil nag-umpisa naman daw siyang makilala noong sumali siya sa Pinoy Big Brother Teen edition sa ABS-CBN.

“My fan base started with ABS, so parang it feels good to be home,” pahayag ni James.