PAPALAPIT na ang Bagong Taon, at ibig sabihin nito ay marami na namang magkukumahog kung paano maibabalik sa tamang hugis ang kanilang katawan. Ngunit bago magbayad sa pagpapamiyembro sa mga gym o sa personal trainer, alamin muna kung ano ang mga magiging usong at epektibong pamamaraan ng ehersisyo sa 2015.
Sa loob ng siyam na taon, ang Asian College of Sports Medicine, ang sports medicine at exercise science organization ay nakikipag-ugnayan sa mga eksperto upang alamin kung anuano ang mga uso at epektibong ehersisyo.
1. Body Weight Exercises Naging number three sa listahan ngayong 2014, pero mangunguna sa susunod na taon ang body weight exercise. Ang body weight training, na minimal lamang ang paggamit ng equipment, ay maraming siglo nang isinasagawa, ngunit mas lalo itong nagiging popular dahil niyayakap ang trend na ito sa maraming gyms.
2. High-intensity interval training Nanguna noong nakaraang taon at bumaba ang highintensity interval training, pero nananatili itong popular at inaasahang ganoon pa rin sa 2015. Ito ay binubuo ng short bursts o ehersisyo na sinusundan ng mga panandaliang pahinga.
3. Strength training Nananatili sa ikaapat na puwesto sa dalawang taong magkasunod, ang strength training ay nananatiling popular sa lahat ng larangan ng health at fitness industry para sa lahat ng uri ng tao. Popular ang weight training sa kabataan, pero sinabi ng ACSM na lahat ng age group ay ginagawa na ito ngayon.
4. Personal training Popular ang pag-eehersisyo at ito ay nagagamit sa mga pagsasanay at dito papasok ang trend no. 5: personal training. Mas marami
na ngayon ang personal trainers na nagbibigay ng alternatibong paraan upang hindi na kailangan pumunta pa sa mga gym.
5. Yoga Ang yoga ay papasok sa ikapitong puwesto sa listahan sa no. 7 sa 2015 galing sa ika-10 puwesto ngayong 2014. Maraming estilo ang yoga na makikita sa instructional videos, mga libro at mga sesyon. Ayon sa ACSM, ang yoga “seems to reinvent and refresh itself every year making it a more attractive form of exercise.”