PESHAWAR, Pakistan (Reuters)— Sinimulan na ng Pakistan noong Miyerkules ang paglilibing sa 132 estudyante na namatay sa nakaririmarim na pag-atake sa kanilang eskuwelahan ng mga Taliban, na nagdagdag ng pressure sa gobyerno upang maging agresibo sa paglaban sa Taliban insurgency.

Agad na sinisi ng mga awtoridad, matagal nang inaakusahan ng pagiging maluwag sa extremists, ang Afghanistan, nagsuhestyon na ang katabing bansa ay hindi sapat ang ginagawa upang madakip ang mga Pakistani Taliban commander na nagtatago sa kanilang teritoryo.

Nagsindi ng mga kadila at nag-alay ng panalangin ang mga mamamayan sa buong Pakistan kasabay ng pamamaalam ng mga magulang sa kanilang mga anak sa isang mass funeral sa loob at labas ng Peshawar, ang magulong lungsod sa dulo ng lawless tribal belt ng Pakistan.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza