Opisyal nang itinakda sa darating na Enero 9, 2015 ang demokratikong prosesong hinahangad ng nagaagawang grupo para sa liderato ng Philippine Volleyball Federation (PVF).

Ito ang sinabi ni PVF secretary general Dr. Rustico “Otie” Camangian kahapon sa Balita sa gitna ng kontrobersiya sa liderato ng asosasyon na pinag-aagawan ng tatlong grupo at may nakabinbin pang usapin sa 5-man committee na nasa ilalim ng Philippine Olympic Committee (POC).

“Nag-apply na kami for proper information and as part of the required process in securing POC requirements on our upcoming general assembly and what they had been asking us that is the election of officers,” sinabi ni Camangian.

Ipinaliwanag din ni Camangian na kanilang ipinasa ang lahat ng mga dokumento, kabilang ang pinakahuling pag-uusap ng mga dating opisyal ng asosayon na posibleng gamitin nito para sa pagkilala sa mga boboto at tutukoy sa mga opisyal ng PVF.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We have the SEC registration, our proposed Constitution and By-Laws, some of the stakeholders list for the POC to consider,” giit ni Camangian. “It is up to them now kung idedeny nila ang aming hiling na democratic process.”

Idinagdag ni Camangian na nag-imbita rin sila ng opisyales ng FIVB at AVC upang obserbahan ang kanilang proseso subalit tumanggi ang internasyonal na asosasyon na magpadala upang bigyan ng kalayaan ang asosasyon sa kanilang pagpili ng mga opisyal.

“We invited them to observe but they decline saying they respect the democratic process of their member federation. It is the principle of autonomy honored by FIVB and AVC,” dagdag ni Camangian.

Samantala, nag-back-out naman si Ramon “Tatz” Suzara bilang miyembro ng binuong POC 5-man committee na dapat sana’y mag-imbestiga sa kaguluhan sa liderato ng asosasyon na nahahati sa tatlong grupo.