PRAGUE (AP)– Sinabi ni Tomas Berdych na bago niyang coach si Dani Vallverdu, ilang linggo bago nakipaghiwalay ng landas ang Venezuelan kay Andy Murray.

Pinalitan ni Vallverdu ang Czech coach na si Tomas Krupa.

Pinili ng seventy-ranked na si Berdych ang dating assistant coach ni Murray makaraan siyang tanggihan ng kapwa Czech na si Ivan Lendl.

Inalok ni Berdych si Lendl matapos tapusin ng eight-time Grand Slam champion ang matagumpay na two-year stint kasama si Murray ngayong taon.

National

MMDA gagamit ng high-tech mobile command center sa SONA

Iginiya ng 29-anyos na si Berdych ang Czechs sa dalawang titulo sa Davis Cup ngunit hindi pa niya nagagawang manalo sa isang Grand Slam tournament. Siya ay runner-up sa Wimbledon noong 2010 at umabot sa highest ranking position na No. 5 noong nakaraang taon.

Ipinaalam din ni Berdych na ang kanyang bagong fitness coach ay si Azuz Simcich.