Ni ROY MABASA

Kung patuloy na iinit ang isyu sa kustodiya ni US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton, na itinuturong pumatay sa isang Pinoy transgender sa Olongapo City noong Oktubre, ipaiiral pa rin ng mga opisyal ng US government ang diplomasya bilang pagbibigay-halaga sa “sensibilities at sensitivities” ng mga Pinoy.

Ito ang inihayag ni US Ambassador to Manila Philip Goldberg sa telebisyon habang idinedepensa ang desisyon ng gobyerno ng Amerika na panatiliin ang kustodiya ni Pemberton sa Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) compound sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

“We are not doing it for the sake of doing it,” giit ni Goldberg. “We are doing it for certain reasons, for certain legal reasons that we have with the US serviceman involved and we have the VFA (United States-Philippine Visiting Forces Agreement) that allows us to do it.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit pumayag ang US government na isailalim sa kustodiya nito si Pemberton – na itinuturong pumatay kay Jeffrey “Jennifer” Laude, isang transgender –sa Camp Aguinaldo na batay-sarado ng mga sundalong Amerikano subalit mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakatoka sa perimeter security ng pasilidad.

“We are trying to work as cooperatively as we can,” pahayag ni Goldberg. “At the same time, we have to make sure that justice is done in the case. We have to make sure that the rights of the accused are also protected.”

Matatandaan na ikinairita ng iba’t ibang sektor nang ideklara ng US government na mananatili sa kustodiya nito si Pemberton tulad ng nakasaad sa probisyon ng RPUS VFA.