GUMAGANAP ng mahalagang tungkulin ang community o provincial press sa pagsisiwalat ng sa sambayanan ng mga kaganapan at mga isyu na direktang nakaaapekto sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat manahimik ang community media sa mga isyu hinggil sa matalino or maaksayang paggamit ng salapi ng bayan, pagmamanipula ng pulitika, climate change adaptation, disaster risk reduction and management, public health and education, at ang nalalapit na integration ng sampung miyembrong Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa iisang economic market simula sa susunod na taon.

Upang matamo ng respeto ang proteksiyon mula sa karahasan, ang community press, na kumikilos sa mga lalawigan kung saan naninirahan ang mahigit 80 porsiyento ng mga Pilipino, ay kailangang tumupad sa responsibilidad nito, katigan ang prinsipyong moral ng peryodismo at talikdan ang nakasisirang impluwensiya sa ginagalawan nito.

Noong Setyembre 19, 2014 sa Geneva, nagpatupad ang United Nations Commission on Human Rights (UNCHR) ng isang resolusyon na umulit sa Article 19 ng Universal Decleration of Human Rights and the international Covenant on Civil and Political Rights at kinondena ang lahat ng attacks and violence againts journalists and media workers,” kabilang ang “torture, extrajudicial killings, forced disappearances, arbitrary detention and intimidation and harassment in both conflict and non-conflict situations”. Kaya mahalaga para sa ating mga media group, kabilang ang National Press Club (NPC), ang Publishers Association of the Philippines, inc. (PAPi), ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), at ang Federation of Provincial Press Clubs of the

Philippines, inc. (FPPCP) na patuloy na itaguyod ang kanilang press freedom mission at adbokasiya.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Itinakda ng PAPi ang kanilang 19th National Press Congress sa Pebrero 19-21 sa Cebu City sa temang “Forward to ASEAN integration”. Nangako ang FPPCP na kikilos ito upang matiyak ang kredibilidad ng 2016 national elections.