Uumabot sa 150 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog sa Bgy.Doña Imelda, Quezon City noong Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni QC Fire Marshall Senior Supt. Jesus Fernandez ng Bureau of Fire Protection (BFP), tinupok ng apoy ang isang residential area sa 28 Palanza St., cor. Kapiligan St., Doña Imelda, Quezon City dakong 10:05 ng umaga.

Nagsimula ang apoy sa bahay na tinitirahan ng pamilya Danib at nadamay ang tinatayang 50 kabahayan.

Isang fire volunteer ang nasugatan na kinilalang si Leonardo Gabriel, 42, na nagtamo ng galos sa kanan kilay at isinugod sa Orthopedics hospital.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Umabot ang sunog sa 3rd alarm ang sunog na ganap na naapula dakong 12:15 ng tanghali.