vhong navarro

Ni MICHAEL JOE T. DELIZO

NANGUNA ang actor-TV host na si Vhong Navarro sa overall top trending searches ngayong taon, ayon sa listahan na inilabas ng Google Philippines noong Martes.

Naging laman ng mga balita si Vhong nang bugbugin siya sa isang condominium sa Taguig City noong Enero ng isang grupo ng kalalakihan sa pangunguna ng negosyanteng si Cedric Lee matapos diumano’y pagsamantalahan ang modelong si Deniece Cornejo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang insidente ay sinundan ng serye ng legal maneuvering mula sa lahat ng sangkot, nang kasuhan ni Vhong si Cedric at mga kasama ng serious physical injuries, serious illegal detention, grave threat, grave coercion, illegal arrest at blackmail.

Nagpaigting sa drama ang aspiring beauty queen na si Roxanne Cabañero na nag-akusa rin kay Vhong ng panggagahasa sa kanya noong Abril 2010. Kalaunan ay ibinasura ang kaso, nang magpasya ang Department of Justice (DOJ) na ang pahayag ni Roxanne ay “contradictory, suspicious and of doubtful nature.”

Bukod kay Vhong, ang iba pang pangalan at mga paksa na pumasok sa Google Philippines’ top trending searches list ay ang Flappy Bird, Robin Williams, Rude (Magic!), Frozen, Cedric Lee, Paolo Bediones, Jennifer Lawrence, Malaysia Airlines at Meteor Garden.

Sina Cedric, Deniece, at Roxanne ay kapwa nakapasok sa Google Philippines’ Top 10 Newsmaker list in 2014. Kasama nila sina Darren Espanto, Paul George, Helena Belmonte, Bryan Gahol, Michael Christian Martinez, Natalia Poklonskaya at Michelle Ann Bonzo.

Sa panayam ng Manila Bulletin, sinabi ni Gail Tan, head of Communications and Public Affairs ng Google Philippines, na makikita sa trending searches list ngayong taon na karamihan ng Internet users ay naghahanap ng entertainment and news.

“People really troop to the internet to search for entertainment but I would like to believe that there’s now a good balance between the two,” aniya. “If you look at the trending searches that we have, it’s a combination of entertainment and news. Even if Vhong Navarro is the number 1, it is still news, it wasn’t really entertainment. Something happened and it captured the people’s attention.”

Idinagdag ni Tan na ang mga Pilipino ay mas nagiging conscious na sa global affairs batay sa Top 10 news terms na nakapasok sa kanilang listahan kabilang na ang MH370, Ebola virus, Typhoon “Glenda,” SONA 2014, ISIS, MH17, Gaza, Ukraine, blood moon at Crimea.

“We’re very glad to see a consciousness in the Filipino about things that are happening globally like Ebola (outbreak) and Gaza (siege). It shows that they are now more mature about their searches,” aniya.

Bukod sa entertainment and current events, nagpakita rin ang mga Pinoy ng mainit na interes sa sports sa 70% ng top 10 events searches na karamihan ay may kinalaman sa boxing, football at tennis.

Narito ang kumpletong listahan ng Google Philippines’ top search items for the year batay sa category:

Overall Top Trending Searches for the Philippines

  1. Vhong Navarro
  2. Flappy Bird
  3. Robin Williams
  4. “Rude” (Magic!)
  5. “Frozen”
  6. Cedric Lee
  7. Paolo Bediones
  8. Jennifer Lawrence
  9. Malaysia Airlines
  10. “Meteor Garden”