WASHINGTON (AP)- Umiskor si John Wall ng 21 puntos at ipinatas ang career high na 17 assists habang nagtala si Rasual Butler ng 23 puntos upang tulungan ang Washington Wizards na pagwagian ang kanilang ikalimang sunod na laro, 109-95, kontra sa Minnesota Timberwolves kahapon.
Itinarak ng Washington ang 14 sunod na buslo upang kunin ang 14-2 lead may nalalabi pang 4 1/2 minuto sa nasabing laban. Nagtala si Wall ng 10 puntos at 6 assists sa unang quarter.
Inasinta naman ni Thaddeus Young, namuno sa pag-atake sa third-quarter, ng season-high na 29 puntos para sa Minnesota, nabigo sa siyam sa kanilang sampung mga laro. Ibinuslo ni Shabazz Muhammad ang 21.
Ang foul shooting ang sadyang nagpahirap sa Timberwolves. Naisalansan lamang nila ang 20-for-35 sa shooting, at naimintis ang 10 sa kanilang 14 na baskets sa unang half kung saan ay napag-iwanan sila sa 46-36.
Pinamunuan ni Young ang Minnesota pagsapit ng ikalawang half, nagposte ng 19 puntos sa third quarter at may shooting na 9-for-10 mula sa field. Umungos ang Wizards sa 74-69 matapos ang ikatlong yugto.
Pinangunahan naman ni Butler ang Washington makaraan ang 18 fourth-quarter points kung saan ay umarangkada sila sa kaagahan ng quarter. Taglay sa ngayon ng Wizards ang 18-6. Sila’y 12 games over .500 sa unang pagkakataon simula sa pagtatapos ng 1978-79 season.
TIP-INS
Timberwolves: Idineklarang mawawala sa hanay si center Ronny Turiaf sa season makaraan ang arthroscopic surgery sa kanyang kanang bewang. At mawawala sa hanay ang tatlong, sina guard Ricky Rubio (ankle), center Nikola Pekovic (foot, wrist) at guard Kevin Martin (wrist), inaasahan na ang Wolves na hihingi ng injury waiver para sa additional player. Nagbalik si guard Mo Williams makaraan na mawala sa loob ng anim na mga laro sanhi ng back spasms at umiskor lamang ng 6 puntos sa 15 minutong paglalaro.
Wizards: Naimintis ni forward Paul Pierce ang kanyang unang laro sa season sanhi ng sore right toe. Naisakatuparan ni Otto Porter ang kanyang unang career game kahalili si Pierce. Hinarap ni coach Randy Wittman ang kanyang kaibigan na si Flip Saunders, pinalitan niya noong Enero 2012. Hindi na nasorpresa si Wittman sa muling pagbabalik ni Saunders bilang coach matapos na mamalagi noong nakaraang taon sa Minnesota’s front office. ‘’He’s a coach. He’s a lifer,’’ pahayag ni Wittman. ‘’That’s who he is.’’