Unang nagkrus landas namin ni Sen. Mar Roxas noong nakapanayam sa pamahalaang himpilan ng telebisyon sa PTV-4. Bilang host ng public affairs show, isang oras ang naitala ng aming pag-uusap tungkol sa kanyang responsibilidad bilang pulitiko. Hindi ko na magugunita kung kongresista, senador o kalihim siya noon. Iniwasan ko ipabatid na ang pumanaw niyang kapatid, si Congressman Dinggoy, ay dati kong nakakalaro ng basketball kasama ng barkada nito na taga-Ateneo. Tikom-bibig ding banggitin, kanyang butihing ina, si Tita Judy, “Ninang” sa kasal ng aking nakatatandang kapatid.

Aksidenteng nagkita kami ni Mar sa sinehan ng Makati, noong may dalagang kasama mula sa kilalang pamilya ng serbisyo-publiko rin. Nagbatian kami, dahil kilala ko ang babaeng kasama ng kanyang date. Natuwa ako sa simpleng pag-uugali ni Mar, kahit mula sa angkan ng Araneta-Roxas,pangkaraniwang relo ang suot, at ang kanyang 3-5 credit card na nakabukod sa pitaka, lastiko lang ang panali. Sa kasalukuyang, kwento mula malalapit at taga-loob ang nakakadating sa akin tungkol kay Mar hal. panliligaw noon kay Korina Sanchez at pagtakbo sa panguluhan; tunay na dahilan sa pag-atras at pagbigay kay PNoy atbp. Napapangiti o napapatango, lingid sa kaalaman ni Mar, may mga Cojuangco at Araneta din na nagsisitsit sa akin. Tsaka, kapamilya ko pala si Korina sa kasal.

Sa isang yugto ng aking programa sa TV (Republika, Martes 8:10 N.G. sa GNN, Channel 8 Destiny, 213 Sky), pinag-ukulan ng mga eksperto sa public relations (PR), marketing, at branding ang mababang surveys ni Mar. Sang-ayon ako, dapat sipain niya ang media at PR nito. Mali kasi ang pagbenta sa imahe ni Mar, hal. “Mr. Palengke”, padyak driver, kargador ng ano, o nagmomotorsiklo! Walang nagogoyo sa ganitong pakulo, trying hard! Kung ako kay Mar – magpakatotoo. “Ang lolo ko ay dating Pangulong Manuel Roxas na lumaban at nagsilbing gerilya noong Pangalawang Digmaan laban sa Hapon. Ang aking ama si Senador Gerardo Roxas, biktima sa Plaza Miranda at nakibaka sa Martial Law. Kasamang humakbang sa kasaysayan ng ating bayan ang pangalang Roxas. Mula man ako sa nakakataas na pamilya, subalit, malinis ang aming panunungkulan. Taos sa aking puso ang pagbigyan ninyo sana na manilbihan sa buong bayan. Ako po si Mar Roxas! (Take Two?)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists