Pinawi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pangamba ng publiko sa posibleng pagka-ubos ng pera sa mga automated teller machines (ATMs) partikular sa Metro Manaila sa napipintong pagsasara pansamantala ng mga bangko simula Disyembre 24 hanggang Enero 4,2015.

Tiniyak ng BSP na sapat at hindi magkukulang ang lamang pera ng mga ATM upang makapaglabas o makapag-withdraw ng salapi ang mga kliyente ng bangko sa nasabing mga petsa.

Maagang naghahanda ang mga bangko sa ipaiiral na measures o hakbang sa kanilang mga ATM upang siguruhing sapat ang suplay ng pera at hindi maubos sa inaasaahang malaking bilang ng withdrawals lalo na’t sarado ang mga tanggapan.

Puspusan ang koordinasyon ng pamunuan ng mga bangko sa bansa sa BSP para sa iskedyul ng suplay ng pera sa mga ATM.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol