Alas, Tenorio and Carey

Laro ngayon: (MOA Arena)

7 p.m. Rain or Shine vs. Alaska

Umakyat sa finals para sa hangad nilang unang titulo sa Philippine Cup ang misyon na sisimulan ngayon ng Rain or Shine sa kanilang pagsagupa sa Alaska sa pagsisimula ng kanilang best-of-seven semifinals series ng PBA Philippine Cup sa Mall of  Asia Arena sa Pasay City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ganap na alas-7:00 ng gabi magsisimula ang duwelo ng dalawang koponan para sa isa sa finals berth ng season opening conference. 

Matapos ang dalawang beses na pagkabigo noong nakaraaang taon para sa hangad na muling magkampeon, sinabi ng ace playmaker ng Elasto Painters na si Paul Lee na talagang nasasabik na ang kanilang koponan na muling makatikim ng korona.

Ayon kay Lee, buong-buo pa rin ang samahan ng kanilang koponan na kinabibilangan nina Beau Belga, JR Quinahan, Jervy Cruz, Ryan Arana, Jeff Chan, Jireh Ibanes, TY Tang at Chris Tiu kung saan ay sadyang gigil na silang muling makatikim ng titulo. 

“Nandoon pa rin ‘yung gutom namin, hindi nawawala at hindi kami nakukuntento. Siguro hangga’t hindi kami nagtsa-champion ulit talagang pipilitin namin lalo na dito sa All-Filipino kasi ‘yun na lang ang kulang namin,” pahayag ni Lee.

Para naman sa Alaska, mahalaga ang unang laro dahil posibleng ito ang mag-set ng takbo ng kanilang duwelo para sa mga susunod pang laban sa serye. 

“Game One is very important. Maybe, it’s setting the tone but most of it will come from the efforts of the players kasi alam naman natin na ‘yung Rain or Shine is a strong team,” ito ang naging pahayag ng playmakaer ng Aces na si Jayvee Casio.

Ayon pa kay Casio, napakahirap manalo sa Elasto Painters na nagtala ng pitong sunod na panalo sa pagtatapos ng eliminations na naging susi upang sila ang unang umusad sa semifinals dahil na rin sa malalim na rotation ni coach Yeng Guiao na umaabot ng sampu hanggang 12 players.

Kaya naman mahirap aniyang malingat kapag ang Rain or Shine ang kalaban sa loob ng court dahil ang minsang pagkakamali ay magreresulta ng isang malaking pagsisisi sa huli.

“They are a very strong team kaya you can let up against them kasi one mistake can be crucial. That’s why every possession and every second of the game is important,” dagdag nito.