Gaya ng inaasahan, winalis ng league leader Lyceum of the Philippines University (LPU) ang San Beda College (SBC) upang maipagpatuloy ang kanilang winning run sa anim na sunod na laban, 25-15, 25-11, 25-17, sa juniors division ng NCAA Season 90 volleyball tournament kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nagtala si Sean Alexis Escallar ng 12 hits at 3 blocks para sa kabuuang 15 puntos upang pamunuan ang nasabing tagumpay ng Junior Pirates na sorpresang namamayagpag ngayon sa juniors division ng torneo.

Nag-ambag naman ng 13 puntos na kinabibilangan ng 12 hits si Jomaru Amagan para sa nasabing panalo na lalo namang nagbaon sa Red Cubs sa ilalim ng standings matapos malasap ang kanilang ikaanim na sunod na pagkatalo.

Kasunod nito, namayani rin ang Piartes sa Red Lions sa seniors division, sa loob din ng tatlong sunod na sets, 25-22, 25-13, 25-20.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Umiskor ng 17 puntos si Aram Abrencillo, kabilang dito ang 16 na hits at 1 ace, habang nag-ambag naman si Joeward Presnede ng 12 puntos para giyahan ang koponan sa kanilang ikaapat na tagumpay sa loob ng walong laban.

Sa kabilang dako, mag-isa namang tumapos na may double digit performance para sa Red Lions si Angelo Torres sa itinala nitong 12 puntos.

Gaya ng kanilang juniors squad, patuloy ang pagkahulog ng Red Lions sa buntot ng standings  kung saan ay mayroon na silang walong sunod na pagkatalo.