Ginapi ni Jeffrei Jumawan si Elbert Bacong, 6-3, 6-1, para maungusan ng  Letran ang University of  Perpetual Help, 2-1, at makamit ang kanilang ikalawang sunod na seniors title sa pagtatapos ng 90th NCAA lawn tennis competition sa Rizal Memorial Tennis Center sa Manila.

Una rito, nakauna pa ang Altas nang matalo ni Ed Adrian Parangan si Ian Valenzuela, 6-0,6-1.

Nakatabla naman ang Knights sa pamamagitan ng panalo ng doubles tandem nina Bryan Saarenas at Adjuthor Moralde laban kina Chad Bautista at Renz Sevilla, 6-2, 6-2.

Ang panalo ang ika-11 titulo ng Knights na nagluklok sa kanila bilang ikatlong winningest squad sa liga kasunod ng Mapua at ng San Beda na may 17 at 14 korona, ayon sa pagkakasunod.

National

Sen. Angara, planong humingi ng payo kay VP Sara hinggil sa DepEd

Nanguna ang Knights sa first round makaraang maipanalo ang pito sa kanilang unang walong laban.

Sa juniors division, nakakumpleto rin ng back-to-back championships ang San Beda College (SBC) matapos nilang pataubin ang Letran 2-0.

Tinalo ni Noel Damian si Jose Nicolas Cano, 6-3, 6-1, habang pinadapa nina Andre Rodriguez at Edijardo Bagatoro sina  Marcus at Miguel del Rosario, 6-4, 6-2, upang maangkin ang kampeonato, ang kanilang ika-15 sa pangkalahatan na naglapit sa kanila sa most winningest junior team na Mapua Red Robins na may kabuuang 16 na juniors title.

Ang titulo rin ang ika-18 pinagsamang titulo sa juniors at seniors para sa kanilang coach na si Jovy Mamawal sa loob ng 33 taon sa San Beda.