Maja Salvador

Sobrang blessed ako, ang rehab ko ay ang charities ko -Gerald

SA unang pagkakataon ay magsasama sa isang project sina Maja Salvador at Gerald Anderson after nilang aminin sa publiko na mahigit nang isang taon ang kanilang relasyon.

Sa ikalawang episode ng Christmas special ng ABS-CBN na pinamagatang Give Love on Christmas Presents The Gift of Life na sisimulan sa Disyembre 22, (dahil magtatapos na ang highly rated na The Gift Giver), gagampanan ni Gerald ang karakter ni Tristan na nangangailangan ng kidney transplant. Pero kahit may pinagdadaanan, positive pa rin ang outlook sa buhay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kanyang paghahanap ng magiging kidney donor, makikilala ni Tristan si Melissa (Maja), ang dalagang nawalan na ng paniniwala sa Diyos simula nang pumanaw ang mga magulang.

Sa pagkukrus ng kanilang mga landas, mabubuo ang espesyal na kasunduan, tutulungan ni Melissa si Tristan na matupad ang mga bagay na nasa bucket list ng binata na hindi nito maisakatuparan dahil sa kanyang sakit.

Kaabang-abang ang pagsasama nina Gerald at Maja after nilang ideklara na ayaw nilang magkasama together sa trabaho dahil sa mga personal na kadahilanan.

Pero dahil ibinuo sila ng Dreamscape ng maikli pero napakagandang istorya para sa nasabing Pasko-serye, napapayag sila.

Gerald Anderson

“’Yun na nga, first time naming magsasama, sa isang very inspiring story, sa title pa lang, The Gift of Life, it’s a gift sa lahat. Kung nasabi man namin noon na ayaw naming magsama sa trabaho, this time, it’s a different story (because) it’s season naman of giving, it’s Christmas, ito po ‘yung regalo namin para sa lahat,” sabi ni Gerald.

Kung masusundan pa ang project na ito, sabi ni Gerald ay si Maja ang magdedesisyon.

“Pero mas importante pa rin na mas maganda ‘yung kuwento na ibibigay sa amin,” sey ng aktor.

Samantala, naitanong kina Maja at Gerald kung ano ang greatest blessings na kanilang natanggap sa buong buhay nila?

“Grabe! Andaming magagandang nangyari sa akin nitong 2014. Maliban na nandiyan na siya sa buhay ko, ‘yung mga projects, ‘yung album ko na hindi ko inaasahang maggo-Gold ay nag-Platinum. Siguro sa lahat ng napagdaanan ko, namin, hindi pa rin humihinto si God na bigyan ako ng maraming blessing,” sey ni Maja.

Para kay Gerald, “wisdom” na ibinigay ng Diyos ang itinuturing niyang greatest blessing sa kanya.

“Kasi, may ibang tao na ‘pag may pinagdaraanan sa buhay tumatakas sa pamaagitan ng pag-inom o pagdodroga. Life is a roller-coaster ride, maraming ups and downs, ‘pag nasa baba ka, iniisip mo how you can be back on the horse when it kicks-off. Pero ako, sobrang blessed ako na parang ang rehab ko, kumbaga, sa sitwasyon ko ay pagtuunan ang mga charity ko.

“Two thousand fourteen (2014) is a better year, I still feel very blessed dahil andito pa rin ako and I have lots of things to be thankful, I’m healthy, really young, strong and have a healthy family and I get to spend Christmas with someone special. Sino ba naman ako para magreklamo pa kay God?” pahayag ng aktor.