Mga laro ngayon: (Ynares Sports Arena)

12 p.m. Racal Motors vs. Tanduay Light

2 p.m. Café France vs. Bread Story

Makabawi sa huling kabiguang nalasap sa kamay ng kasalukuyang lider na Hapee at mapatatag ang kanilang kapit sa ikatlong puwesto ang tatangkain ngayon ng Café France sa pagsalang nila kontra sa Bread Story sa pagpapatuloy ng aksiyon ng PBA D-League Aspirants Cup sa Yanres Sports Arena sa Pasig City.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Dahil sa nalasap na 55-70 pagkatalo sa kamay ng Fresh Fighters noong Lunes, bumaba ang Bakers sa barahang 5-2 (panalo-talo) sa likuran ng mga namumunong Hapee (6-0) at Cagayan Valley (5-0).

Sa kabilang dako, magtatangka naman ang Bread Story, kasalo ang Lyceum of the Philippines University na taglay ang 2-5 baraha, na makamit ang kanilang ikatlong panalo at pumantay sa AMA University sa ikapitong puwesto na magpapalakas ng kanilang tsansa na makausad sa susunod na round.

 Nanggaling sa mahabang break ang Bread Story matapos ang kanilang huling panalo kontra sa AMA University Titans noong Disyembre 1 kasunod nang nauna nilang panalo laban sa MJM Builders.

Sa ganap na alas-2:00 ng hapon, magtitipon ang dalawang koponan mataposa ng unang laban sa pagitan ng Racal Motors at Tanduay Light sa alas-12:00 ng tanghali.

Kasalukuyang nasa ikaanim na puwesto na taglay ang barahang 3-4, tatargetin ng Rum Masters na masundan ang naitalang 77-73 overtime win nila kontra sa Wang’s Basketball sa nakaraan nilang laban upang mas palakasin ang pag-asa nilang makaabot sa susunod na round.

Para naman sa kanilang katunggali, kasalo sa ngayon ng Wang’s sa ikawalong puwesto na hawak ang kartadang 2-4, sisikapin ng Racal na madugtungan ang malaking panalong naiposte sa nakaraan nilang laban kontra sa Jumbo Plastic Linoleum (77-66) para sa hangad nilang makahabol sa playoff round.