LAGAWE, Ifugao – Isinusulong ng pamahalaang panglalawigan na maging cultural landscape model ng probinsiya ang Bangaan Rice Terraces (BRT).

Ang BRT na nasa Barangay Bangaan sa bayan ng Banaue ay kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang World Heritage Site.

Kaugnay nito, kinokonsulta ng Ifugao Cultural Heritage Office (ICHO) ang mga samahan ng mga magsasaka at iba pang stakeholders sa Bgy. Bangaan para sa proyekto at rehabilitasyon nito sa tulong ng pamahalaang bayan ng Banaue.

Ayon kay Roscoe Kalaw, ng ICHO, pinaplano ngayon ng pamahalaang panglalawigan ang rehabilitasyon ng BRT bilang living cultural landscape model, sa pamamagitan ng pangangalaga at pagpapanatili sa orihinal na ganda nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang sa mga proyekto rito ang village improvement na may kinalaman sa infrastructure development, gaya ng pagpapagawa ng 18 bahay na may galbanisadong iron roof na may kugon; pagkukumpuni ng mga daanan at hand railings; at pagpapagawa ng water system ng barangay.

Nasa programa rin ang pagsasaayos ng Bangaan View Deck na may banyo, supply ng tubig, landscaping, grouted riprap na may railings at visitors’ center, lalo na sa mga turista at motorista. (Rizaldy Comanda)