KALIBO, Aklan - Inaasahang aabot sa 800 pulis ang kakailanganin para sa seguridad sa Kalibo Sto. Nino Ati Atihan Festival sa susunod na taon.
Ayon kay Supt. Pedro Enriquez, hepe ng Kalibo Police, umaasa ang pulisya na magpapadala ng dagdag na puwersa ang Police Regional Office (PRO)-Western Visayas para sa isa sa pinakamalalaking taunang kapistahan sa bansa.
Bukod sa Kalibo Ati-Atihan, anim pang bayan, kasama na ang isla ng Boracay, ang magdiriwang ng kani-kanilang bersiyon ng Ati-Atihan Festival sa iba’t ibang araw ng Enero.
Bilang paghahanda sa seguridad, nagsagawa na ng command conference ang pulisya para pag-usapan ang gagawing estratehiya na tiyaking 100 porsiyentong zero crime ang Ati-Atihan. (Jun N. Aguirre)