Denied.

Ito ang naging tugon ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang sa kahilingan ng tatlong associate justice na magbitiw o mag-inhibit sa paghawak ng kasong plunder at graft case na kinakaharap ni Senator Jinggoy Estrada.

Paliwanag ni Cabotaje-Tang, walang sapat na rason upang mag-inhibit sina Fifth Division Chairman Associate Justice Roland Jurado, at mga miyembro nito na sina Associate Justice Alexander Gesmundo at Maria Theresa Estoesta.

Nauna nang binanggit ng tatlong mahistrado sa kanilang letter of appeal kay Cabotaje-Tang na kaya sila nagdesisyon na bumaba sa paghawak ng kaso dahil na rin sa mga “personal” nilang dahilan.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Itinanggi rin ni Cabotaje-Tan ang naiulat na kaya binalak na magbitiw sa paghawak ng nasabing mga kaso ang bunsod na rin ng pressure mula sa matataas na opisyal ng pamahalaan upang ibasura ang kahilingang bail petition ng mga ito.

Pinabulaanan din nito ang napabalitang apektado ang tatlong mahistrado sa naging ng desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na silipin ang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga mahistrado ng anti-graft court.

Paglilinaw pa ni Cabotaje-Tang, nakasalalay pa rin sa merito ng kaso ang magiging desisyon ng Sandiganbayan sa bail petition ni Estrada.

“Let me set the record straight, it has nothing to do with the release of our SALN… There has never been any pressure from Malacañang either. We continue to say that we will never be swayed by anyone. We will be guided by the evidence,” sabi pa ni Cabotaje-Tang.

Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay ng pagkakadawit sa pork barrel fund scam.