Inihayag ng Drivers United for Mass Progress Equality and Reality (DUMPER) Association na magbibigay ito ng P10 diskuwento bilang pamaskong handog sa mga pasahero ngayong Disyembre.
Nabatid kay Fermin Octobre, national president ng DUMPER Association, na ito ang napagkasunduan Casayuranng mga opisyal ng kanilang samahan bunsod ng malaking ibinaba sa presyo ng produktong petrolyo.
Gayunman, sinabi ni Octobre na hinihintay na lamang nilang aprubahan ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para maipatupad.
“Hindi po kasi basta-basta ang fare discount or rollback nang walang approval at order sa LTFRB [baka] kami naman ang mabalikan ng kaso,” dagdag ni Octobre.
Ang DUMPER Association ang tanging taxi group na nais na magbigay ng diskuwento sa pasahe habang ang ibang taxi group ay agad na pumalag sa discount dahil sa anila’y lumiit nilang kita sa ngayon dahil pumasok na sa kanilang ruta ang mga AUV at kakaunti na lamang ang sumasakay ng taxi ngayon.