VICTORIA, Tarlac – Bugbog-sarado ang inabot ng isang tanod sa Barangay Balbalato sa bayang ito matapos siyang pagtulung-tulungan ng apat na lalaki noong Lunes ng tanghali.

Kinilala ni PO3 Ferdinand Cabang ang biktimang si Rolando Dollente, 44, ng nabanggit na lugar, na halos gumapang umano sa matitinding bugbog na inabot niya kina Ramon Mejia, Joseph James Salome, Domingo Delos Santos at Benjamin Salome, pawang nasa hustong gulang, ng Barangay Balbalato, Victoria.

Nabatid na nasa tapat ng barangay hall si Dollente nang makitang sumisigaw ang apat na suspek mula sa sinasakyang tricycle kaya tinangka ng biktima na payapain ang mga suspek pero pinagtulungan siyang bugbugin ng mga ito.
National

Heydarian, happy sa 'immense progress' at latest HDI score ng Mindanao