Apat na Pinoy boxers ang sumabak sa South Africa noong nakaraang linggo ngunit isa lamang ang nagtagumpay at dalawa ang nabigong maiuwi sa bansa ang pandaigdigang kampeonato ng International Boxing Organization (IBO) sa mga kontrobersiyal na pagkatalo sa puntos.

Tanging si Raymond Tabugon ang nanalo nang mapabagsak niya sa 12th round ang halos sumuko na si Luzuko Siyo para mahablot ang IBO Intercontinental junior flyweight title noong Linggo sa mga iskor na 116-110, 115-112 at 115-111 sa Orient Theater, East London, Eastern Cape.

Kamakalawa ng gabi sa nasabi ring lugar, nagsigawan ang boxing fans nang ideklarang natalo sa kontrobersiyal na 12-round split decision si two-time world title challenger Roli Gasca kay IBO featherweight champion Lusanda Komanisi.

Binugbog ni Gasca sa loob ng 12 rounds si Komanisi subalit sa isang hurado lamang siya nanalo kaya nabigo sa ikatlong pagkakataon na makasungkit ng IBO world title.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Una rito, natalo rin sa 12- round split decision si Michael Dasmarinas laban kay Lwandile Sityatha kahit walang ginawa ang South African kundi magtatakbo sa kabuuan ng sagupaan.

“Lwandile Sityatha managed to retain his IBO junior bantamweight belt on a 12 round split decision against Filipino Michael Dasmarinas at the Orient Theatre in East London on Saturday night. The judges scored it 118-110 for Dasmarinas and 116-112 on the other two scorecards for Sityatha,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “In a closely fought contest Sityatha managed to win some of the early rounds but as he tired towards the end the southpaw Dasmarinas came back into the fight to score with counter punches.”

Sa undercrad ng laban, natalo rin si Merbon Bodiongan sa 12-round unanimous decision kaya nahablot ni Xolani Mcotheli ang bakanteng IBO Intercontinental junior lightweight title.