Wala nang makapipigil pa sa paghataw ng ikaanim na edisyon ng Le Tour de Filipinas (LtDF) na tuluyan nang iiwanan ang tradisyunal na tuwing tag-init sa pagbabalik nito sa pamilyar ngunit makasaysayang mga ruta at yugto na tinatampukan din sa selebrasyon ng ika-60 taon kasaysayan ng Tour sa bansa sa 2015.

Ito ang masayang inihayag nina Donna Lina-Flavier, presidente ng race organizer na Ube Media at race manager Paquito Rivas sa pagbisita sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate sa gaganaping internasyonal na karera sa Pebrero 1 hanggang 4.

“Medyo mas maaga namin isinagawa because of climate change,” sinabi ni Lina-Flavier.

“We are also setting many activities para sa hangad namin na just to make our Philippines a cycling country,” pahayag pa nito.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Ipinaliwanag naman ng dating Tour champion na si Rivas na hindi masasaksihan ang inaabangang Individual Time Trials at ang Team Time Trials sa edisyon dahil kulang sa panahon at tanging massed start ang makikita sa karera.

Mula sa dating tradisyunal na araw na nagpakilala sa Tour bilang “country’s summer sports spectacle on wheels” sa nakalipas na henerasyon ay sisikad ang 2015 LtDF sa Pebrero 1 hanggang 4 sa ituktok mismo ng Cordilleras sa Burnham Park sa Baguio City.

Kumpirmado na rin ang paglahok ng 75 riders na mula sa 15 koponan na binubuo ng mga continental at international squads at clubs na hahamunin ang matinding Kennon Road na isang maikli ngunit nakatatakot na 18-km akyatin at naging talaan ng klasiko at kakaibang istorya sa kasaysayan ng Philippine cycling.