Ni LEONARD D. POSTRADO

Inihayag kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima na igigiit ng gobyerno ang kostudiya kay US Army Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ilang oras bago ilabas ng Olongapo City Regional Trial Court ang warrant of arrest laban sa serviceman kaugnay ng pagpatay kay Jeffrey “Jennifer” Laude noong Oktubre 11.

Sa kabila ng probisyon sa Visiting Forces Agreement (VFA) na nag-oobliga sa paglilipat sa sinumang US serviceman na nahaharap sa kasong kriminal sa Pilipinas sa kostudiya ng gobyerno ng Amerika kapag hiniling ng huli, binigyang-diin ni De Lima Namitna maaaring tanggihan ng gobyerno ng Pilipinas ang anumang hiling ng US government para sa kostudiya ni Pemberton, partikular kapag iniutos na ng korte ang pag-aresto rito.

“Although I’m not supposed to be the one talking about this, the Philippines will definitely insist on the custody of Pemberton. We will get him as soon as the court issues a warrant against him,” sinabi ni De Lima sa mga mamamahayag.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pasado 4:00 ng hapon kahapon nang ibinaba ng korte ang warrant of arrest ni Pemberton na ibinigay sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Camp Aguinaldo, na isang pasilidad doon ay nakapiit ngayon si Pemberton.

Ngunit nang tanungin kung ililipat sa isang regular na piitan si Pemberton, sinabi ni De Lima na “the United States and the Philippines will have to talk about where to detain the US serviceman.”

Si Laude, 26, ay brutal na pinatay noong Oktubre 11, at si Pemberton ang pangunahing suspek sa krimen. Natagpuan ang una na wala nang buhay sa banyo ng isang lodge. Batay sa autopsy report, namatay sa pagkalunod si Laude at may mga sugat pa sa katawan.

Ang nasabing insidente ay nagbunsod ng panawagan para sa renegotiation o tuluyang pagpapawalang-bisa sa Visiting Forces Agreement, na ayon sa mga kritiko ay pabor lang sa Amerika, partikular sa mga Amerikanong sundalo na nakakagawa ng krimen sa Pilipinas.