Ipagdiriwang ng mga Pilipino ang ika-78 kaarawan ni Pope Francis ngayong Miyerkules, Disyembre 17, 2014.

Bibisita ang Papa sa Pilipinas sa Enero 15-19, 2015.

Pangungunahan nina Speaker Feliciano Belmonte, Majority Leader Neptali Gonzales II, Minority Leader Ronaldo Zamora at Isabela Rep. Rodolfo Albano III at iba pang kasapi ng Kamara, ang pagpapahayag ng pasasalamat sa makasaysayang pagdalaw ng Papa sa Pilipinas.

Sina Belmonte, Gonzales, Zamora, at Albano ang mga principal author ng House Resolution No. 1701 na naghahayag ng pinagsamang suporta ng Kamara at ng mamamayan sa misyon ng pastoral love, pagmamahal at pagmamalasakit ni Pope Francis sa Simbahang Katoliko at sa lahat sa mundo.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente