Ipinagkibit-balikat lang ni dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang ulat na didiskuwalipikahin siya ng Korte Suprema at patatalsikin sa kanyang puwesto sa susunod na buwan.

Nauna rito, may naglalabasang balita na handa na ang desisyon ng kataas-taasang hukuman para idiskuwalipika sa puwesto si Estrada at ilalabas sa Enero ang nasabing pasya.

Sinabi ni Estrada na plano niyang magretiro sa pulitika sa 2016.

Aniya, wala na siyang planong kumandidato para sa ikalawang termino at ipapasa niya ang posisyon sa kanyang bise alkalde na si Isko Moreno, dahil kuwalipikado naman aniya ito.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Matatandaang sinampahan ni Atty. Alicia Rios-Vidal, abogado ni dating Manila Mayor Alfredo Lim, si Estrada ng disqualification case at sinabing hindi ito kuwalipikadong kumandidato dahil convicted ang dating Pangulo sa kasong plunder.