Ejay Falcon

MEMORABLE kay Ejay Falcon ang year 2014 dahil nakaranas siyang makapagtravel sa halos lahat ng parte ng mundo gaya ng London, France, Ireland, US, bilang Kapamilya ambassador sa mga TFC shows.

“Parang sa panaginip lang na hindi ko akalaing mapupuntahan ko siya,” bungad na sabi ni Ejay.

Kuwento pa niya, memorable sa kanya ang France dahil ito ang bansa ng kanyang biological father. Kaya lang, bigo siya sa hangarin niyang mahanap o makita ang ama.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Hindi ko na-meet, pero nu’ng nasa plane ako, sabi ko, ‘wow, parang kinikilabutan ako’. Siyempre after ng Pilipinas, ‘yun na ang next na bansa para sa akin, ‘tapos paglapag ng France, ‘eto na, ‘yung mga tao rito parang naiisip mo na, ‘Dito dapat ako’. Pero masaya ako dito sa Pilipinas. Hindi ko na-meet ‘yung father ko. Hindi na muna bilang respeto sa taong nagpalaki sa akin, hindi muna.”

Hindi naman sumusuko si Ejay na balang araw ay magkukrus ang mga landas nila ng kanyang ama. ‘Yun nga lang, sana raw ay mageffort din ang kanyang tunay na ama na hanapin siya.

Ngayong 2015, sasabak muli siya sa teleserye, ang Pinoy version ng Mexican soap opera na Pasion de Amor kasama sina Ellen Adarna, Arci Muñoz, Coleen Garcia, Joseph Marco, at Jake Cuenca.

“This year, maging no’ng last year, nagkasunud-sunod yung action,” ani Ejay.

Kaya “action star” ang pabirong tawag sa kanya sa ABS-CBN.

“Pero sa Pasion... iba naman ang ipapakita ko sa kanila. Hindi ako action star dito, kakaibang Ejay ang mapapanood ninyo,” masaya pang kuwento niya.