Miss South Africa Rolene Strauss is crowned Miss World 2014 by last year's winner Megan Young, during the finale of the competition at the ExCel centre in London, Sunday, Dec. 14 2014. Miss Hungary Edina Kulcsar  came second with Miss United States, Elizabeth Safrit finishing third. (AP Photo/Alastair Grant)

HINDI man nasungkit ni Valerie Clacio Weigmann ang inaasam ng karamihan sa atin na back-to-back win sa Miss World 2014 sa International Convention Center (ICC) sa ExCeL Exhibition Centre, sa London, England kahapon, maipagmamalaki na rin ang naabot ng “Juan for All, All for One” segment host. 

Bigo man sa korona at titulo, pumasok naman si Valerie sa Top 25 quarterfinalists. 

Ang reigning Miss World ay si Megan Young, ang unang title holder mula sa Pilipinas na nagsilbi ring host/presenter ng Miss World 2014 kasama ang Welsh actor at TV host na si Tim Vincent.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang beauty delegate mula sa South Africa na si Rolene Strauss, 22, ang itinanghal na winner at pumalit sa tronong iniwan ni Megan. Second runner-up ang kandidata mula sa Amerika na si Elizabeth Safrit at kinoronahan naman bilang 1st Runner-up si Miss Hungary na si Edina Kulcsar. 

Kabilang sa Top 5 sina Courtney Thorpe (Australia) at Carina Tyrrell (England). 

Ang mga delegadong pumasok sa Top 10 semi-finalists ay sina Daniela Alvarez (Mexico), Ida Nguma (Kenya), Julia Gama (Brazil), Rafieya Husain (Brazil) at Koyal Rana (India). 

Tulad ng naisulat na namin dito sa Balita dalawang araw bago ginanap ang 64th Miss World, nabanggit naming mahihirapan talagang makapasok si Valerie base sa pre-pageant events o ‘yung tinatawag ng Miss World Organization na challenge events. Unlike when Megan was just a candidate, ratsada agad siya sa iba’t ibang challenge events hanggang itanghal na nga siyang Miss World 2013. 

Sa kanyang farewell speech, naging emosyonal si Megan bago niya ipinasa ang korona kay Miss South Africa. Nagpasalamat siya sa Miss World Organization at sa lahat ng sumuporta sa kanyang journey bilang Miss World 2013. 

“I’m really so moved by this wonderful goodbye. Salamat po,” wika ni Megan.

Tulad ng ipinangako ni Megan after she was crowned Miss World last year, “I want to be known as the best Miss World ever!” at mukhang magkakatotoo nga ito as she will still fulfill her duties with the organization for another year. 

Good luck, Megan! Congrats, Valerie for making us proud sa narating mo sa Miss World 2014.