Ni ELENA ABEN

Inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gregorio Pio P. Catapang na inaprubahan na ni Pangulong Aquino ang pagpapatupad ng isang buwang suspensiyon ng opensiba ng militar at pulisya laban sa New People’s Army (NPA) epektibo Disyembre 18 hanggang hatinggabi ng Enero 19, 2015.

Ayon kay Catapang na ang one-month unilateral ceasefire ng gobyerno ay inaprubahan PNoy base sa rekomendasyon ng AFP at Philippine National Police (PNP) at inendorso ng Department of National Defense (DND).

Sinabi ni Catapang, ang pagdedeklara ng suspension of military operations (SOMO) laban sa NPA ay isang patunay na sinsero ang gobyerno sa hangad nitong makamit ang kapayapaan.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Subalit iginiit ni Catapang na pananatiliin ng mga puwersa ng gobyerno pagpapatupad ng batas, pagsasagawa ng humanitarian assistance at disaster response (HADER) at defensive operations, partikular ang nagbibigay seguridad sa mga vital installation at proyektong imprastraktura, upang matiyak na ligtas ang mga mamamayan sa panahon ng Pasko.

Tulad ni Catapang, naniniwala si PNP officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina na tatapatan ng rebeldeng komunista ang pagdedeklara ng gobyerno ng SOMO.

“Those with a warrant of arrest that’s a mandate given to the police and we are answerable to the judges with regards to the return of their warrants, to the courts of origin or to the issuing courts within 10 days and we will be made to explain by the respective judges on why there would be no action if we do not serve these warrants of arrest,” paliwanag ng PNP chief.