Hindi pa rin natitinag si Sen. Grace Poe sa mga panawagan na tumakbo ito sa pagkapangulo sa 2016.

Iginiit ng bagitong senador na wala siyang ibang pakay maliban sa magsilbi sa publiko sa gitna ng panawagan sa iba’t ibang malalaking partido pulitikal na siya ay tumakbo sa 2016 elections.

“Right now, I am not considering any particular commitment except public service,” pahayag ni Poe sa ika-1- anibersaryo ng pagpanaw ng kanyang ama, na si Fernando Poe Jr., sa Manila North Cemetery kamakalawa.

Kabilang sa mga nagalay ng panalangin sa tinaguriang “The King of Philippine Movies” ay ang premyadong aktres na si Susan Roces at Vice President Jejomar C. Binay na matunog na nililigawan si Poe na kanyang maging running mate.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I think that whatever the President has started, whoever will be the candidate, should be able to continue that. I think that we should fight corruption. We should continue on that. We should be able to incorporate in all our programs a policy that will truly encourage inclusive growth. So ibig sabihin yung pagtulong natin sa pinakamahihirap nating kababayan yun ang importante,” paliwanag ni Sen. Grace.

Nitong nakaraang buwan, inihayag ni Binay na handa siyang makatambal si Poe sa 2016 elections.

Bagamat bumababa sa rating subalit malaki pa rin ang agwat ni Binay, si Poe ay ikalawa sa mga presidentiable base pinakahuling survey ng Pulse Asia.

“Unang una po ang sabi ko nga pasasalamat kasi ang ibig sabihin po ang ating mga kababayan napapansin nila at nagugustuhan naman nila ang aking trabaho para sa kanila. So salamat po sa tiwala. Maliban po dun ayoko masyadong dibdibin kasiyan po ay nagpapalit palit. Kada tatlong buwan po ay nagpapalit yan,” aniya.