Mahigpit na ipinagbawal ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan ang pangongolekta ng fee mula sa mga estudyante at magulang para sa ano mang uri ng aktibidad ngayong Pasko.

Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na bagamat awtorisado ang Parent-Teachers Association na tumanggap ng kontribusyon mula sa mga miyembro nito sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto tulad ng Christmas party, ang pangongolekta ng mga fee ay dapat boluntary at pinagkasunduan ng mga miyembro sa isang general assembly.

Hinikayat ni Luistro ang mga PTA na iwasan ang magagarbong seremonya at aktibidad ngayong Pasko upang hindi mabigatan sa gastusin ang mga estudyante at magulang, lalo na’t mabigat na pasanin ang matrikula.

Aniya, dapat na maging simple ngunit makabuluhan ang mga Christmas party sa mga eskuwelahan upang hindi malihis ang isipan ng kabataan sa tunay na diwa ng Pasko. (Charina Clarisse L. Echaluce)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente